Dagupan City – Nakapagkamit ng ikatlong pwesto ang Schools Division Office (SDO) ng Pangasinan II sa katatapos na 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet na ginanap sa bayan ng Bacnotan sa lalawigan ng La Union.

Nasungkit ng SDO Laoag City ang overall champion, 1st Runner up SDO Pangasinan I, 2nd Runner up SDO Pangasinan II, 3rd Runner up SDO Ilocos Norte at 4th runner up ang SDO Ilocos Sur.

Nakapag-uwi ang SDO Pangasinan II NG nasa mahigit 50 gintong medalya, 47 pilak, at 57 tanso mula sa kompetisyon.

--Ads--

Pinangunahan ng Schools Division Superintendent (SDS) na si Dr. Vivian Luz S. Pagatpatan ang delegasyon ng SDO Pangasinan II.

Naging isa sa pinakamahusay na delegasyon ang nasabing grupo kung saan nakamit ng mga tagumpay sa iba’t ibang sports, kabilang ang sepak takraw, tennis, at table tennis at kasama rin ang pagkapanalo nila sa football kasama ang Ilocos Norte.

Ipinahayag naman ni SDS Pagatpatan ang kanyang pagmamalaki at pasasalamat sa dedikasyon at disiplina ng mga atleta.

Ang R1AA Meet ay isang mahalagang hakbang para sa mga batang atleta na nagnanais na maging kinatawan ng rehiyon sa Palarong Pambansa.

Nagtataguyod ito ng sportsmanship, disiplina, at pagkakaisa sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang dibisyon sa Rehiyon Uno.

Sa kabilang banda, ang susunod na maghohost ng R1AA Meet 2026 ay magaganap sa Lungsod ng Candon na pangungunahan naman ng Schools Division of Candon City.

Samantala, sa tagumpay na nakamit ng SDO Pangasinan II ay magpapatuloy parin silang maghanda para sa mas malakas na pagganap sa R1AA 2026.

Patuloy nilang tututukan ang pag-aalaga sa mga batang atleta upang makuha muli ng pagkapanalo na siyang maipagmamalaki sa kanilang dibisyon.