Dagupan City – Sa pagsisimula ng mainit at maalinsangan ng panahon isa sa tumataas na demand ng publiko ngayon ay ang paggamit ng tubig, Kaya ang Pamana Water dito sa lungsod ng Dagupan ay muling nagpaalala at nanawagan sa tama at responsableng paggamit ng tubig.

Ayon kay Marge Navata, Spokesperson ng PAMANA Water Dagupan City na nakaalerto na ang kanilang tanggapan sa mga ganitong panahon para ma-imaintain ang mga pumping station sa kanilang nasasakupan lalo na at mahalaga anya na nasa well functioned ang mga pumping station para tuloy tuloy ang pagsuplay ng tubig sa bawat kabahayan at anya na bago ba pumasok ang summer season ay nagsasaagwa na rin sila ng mga inspeksyon at maigting na kampanya para sa pagtitipid ng tubig.

Bukod pa rito ay asahan din ang mataas o pagkakaroon sa dagdag singil sa tubig ngayong mainit na panahon.

--Ads--

Aniya na ang simpleng pagtitipid sa tubig ay mahalaga dahil essential na rin ito sa pangangailan ng bawat tao sa pang araw-araw.

Dagdag pa nito na Kahit umiinit ang panahon ay hindi naman nakakaranas ang lungsod sa kawalan o kakulangan ng tubig. Nagkakaroon lamang ng problema sa tuwing may mga nasisirang linya ng kanilang tubig.