Dagupan City – Upang mapabuti at mapalakas ang sustainable development tourism sa bawat probinsya sa buong rehiyon, ang Department of Tourism Region 1 ay maigting na nakikipag-ugnayan sa mga local tourism officer at local government unit’s para sa kanilang mga plano, hakbangin, proyekto at iba pa.

Ayon kay Loryna Fonacier- Supervising Tourism Operations Officer, DOT – Region 1 na pagdating sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng turismo sa bawat bayan at probinsya ay kanilang tinatap ng local tourism office para sa mga plano at hakabangin na kanilang gagawin upang mas Lalo pang mapaganda at mapalago ang turismo sa kanilang lugar.

Gaya na lamang sa pagpapatayo ng mga iprastraktura, pagpapanatili ng kalinisan sa lugar, mga benipisyo nito sa kumunidad at iba pa.

--Ads--

Layunin nito na makamit ang isang balanseng pag-unlad ng turismo na nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng mga lokal na residente at nagpapanatili sa mga likas na yaman at mga pamana ng kultura.