Isa ka rin ba sa hanggang sa ngayon ay nagtataka kung sino ang ‘the one’ na inilaan ni Lord para saiyo? Makakapaghintay ka pa ba para sa pagdating niya o hindi na?

Kung hindi na, baka sign na rin na gayahin mo ang 29 anyos na Singaporean na si Bella Dai. Ang kaniyang soulmate kase ay tila wanted na may nakapatong na bounty.

Nagbibigay siya ng S$2,000 o may katumbas na P86,173.17 para sa sinuman na makapagtuturo ng kaniyang soulmate na perpektong pasok sa kaniyang criteria.

--Ads--

Ayon sa kaniyang social media post na sa ngayon ay kaniyang binura na, naghahanap si Dai ng straight male na nasa edad 25-42 taon gulang, nakatira sa Singapore, may angkin kagalingan sa kaniyang sining na may focus at disiplina, may pagmamahal sa kalusugan, may tapang na humarap sa mahihirap na usapan, at bukas mag-explore sa spirituality, at relihiyon bilang self-development tools.

Gayunpaman, ibibigay lamang ni Dai ang pabuya kung nagkaroon na ito ng ‘committed relationship’ sa tao at hindi bababa sa 6 na buwan ang kanilang relasyon.

Si Dai ay single since 2020. Ang rason sa kaniyang pagpapabuya ay inspired itong malaman kung in-apply niya ang mga prinsipyo ng trabaho sa kaniyang personal na buhay.

Aniya, kaya sa ganon kalaking halaga ang kaniyang ipinataw ay upang mang-iwan ito ng tumatagal na impresyon sa mga tao.

Saad pa niya na tutulungan siya ng kaniyang mga kaibigan para sa pre-screen ng mga potential partners para sa kaniya.

Sa panibagong post, sinabi ni Dai na sawa na rin siya sa mga toxic relationship.