Dagupan City – Ibinahagi ng Viral na Coastal Ecowarrior ang rason sa pagpiling linisan ang Lingayen baywalk.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mack Jevo Laygo Gacad – Coastal Ecowarrior, isa umano sa nagtulak sa kaniya para gawin ang hakbang na ito ay ang nakakalat na mga basura.
Isa kasi aniya sa mga unang napupuna sa tapat ng kanilang business ay ang basurang nakakalat sa baywalk.
Dagdag pa rito, isa naman sa mga rason kung bakit niya tuluyang napagpasiyahan ang paglilinis ay ang personal na pagkasaksi sa mga mangingisda.
Kung saan, sa tuwing isinasagawa aniya nila ng kaniyang asawa ang morning walk, dito na tumambad sa kanila habang inaayos ng mga mangingisda ang kanilang mga nahuli ang mas maraming bilang ng basura kaysa sa isda.
Dito na aniya siya nagpasya at ng kaniyang asawa na gawin ito araw-araw.
Sa isang araw, nakakalikom sila ng higit 2 sako ng malaking sako. Ipinaabot naman nito ang kaniyang pasasalamat sa mga SK Officials sa Brgy. Libsong East sa pagpiling tulungan din sila sa kanilang layunin.
Ikinalulungkot naman nito na sa kabila ng kanilang pagsusumikap, marami pa ring mga turista ang hindi marunong magtapon ng basura sa tamang basurahan.
Panawagan naman nito, nawa’y magtulong-tulong ang publiko na protektahan ang karagatan at ang mga lamang dagat.