DAGUPAN CITY- Maituturing na malaki ang tsansa o posibilidad ngayong mainit na panahon ang pagkakaroon ng gataw o tangok sa ilang palaisdaan lalo na sa mga nag-aalaga ng bangus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Christopher Aldo F. Sibayan, Presidente ng Samahan ng mga Magbabangus sa Pangasinan (SAMAPA), malaking hamon ang nasabing problema ito sa mga mangingisda.
Aniya, dapat na isaalang-alang ng mga operators ng mga palaisdaan ay ang stocking density at dissolve oxygen.
--Ads--
Mahalagang matutukan ito sa bawat palaisdaan, dahil maaari itong magdulot ng pagkamatay ng mga isda sa isang fish cages kung ito ay masobrahan.
Kailangan din aniya makapag-invest ng mga ilalagay na water pumps or irrigators para sa maayos na dissolve oxygen level.