Dagupan City – Nagpaalala ang Dagupan City Veterinary Office sa mga pet owners sa mga posibleng sakit na maaring makuha ng kanilang alaga ngayong nagkakaroon na ng mainit na temperatura.

Nagbahagi din ang opisina ng mga hakbang upang maiwasan ang ganitong sakit na maaring maranasan ng mga alagang hayop gaya ng aso at pusa.

Ayon kay Dr. Paulo Garcia ang Officer in Charge sa nasabing opisina na ang nangungunang sakit na maaring makuha ng mga alagang hayop ay ang heat stroke kung saan ito ay maaring mauwi sa pagkamatay nila kung hindi agad maagapan pareho ng sa tao.

--Ads--

Nagkakaroon ng mga sintomas ang mga alagang hayop kung nakakaranas na sila ng heat stroke gaya ng hindi normal na paglalaway at pagkahingal.

Mas mainam naman aniya kapag nakita ang ilang sintomas nito ay agad paliguan ang mga alaga at bigyan ng malinis na tubig tsaka iwasan na ilagay sa mainit na lugar ang mga ito dahil mas mainam kung nasa lilim o maganda ang bentilasyon ng hangin.

Maituturing na prone ang sakit na ito sa kanila dahil hindi naman sila nagpapawis at mas mataas ang kanilang normal temperature kumpara sa tao kaya kailangan ng mabusising pagtutok sa mga ito dahil mas mabagal bumaba ang kanilang body temperature.

Maaari ding magdulot ng stress sa mga hayop ang mainit na panahon kung saan maari din bumaba ang kanilang immune system na magaasanhi ng iba pang sakit sa kanila.