Nakikipagpulong ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa o DA upang maisaayos ang presyo ng bigas.

Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, noong buwan ng Enero pa ay sumulat na sila sa Malakanyang na ibalik ang taripa mula 15 ay gawing 35 dahil ito ang orihinal na binigay ng World Trade Organization na maximum na tariff na maaari lamang iimplementa.

Iginiit ng grupo na marapat na ibalik ang dating mataas na taripa sa mga imported na bigas sa bansa matapos ang umano’y kabiguan na pababain ang presyo ng bigas sa bansa.

--Ads--

Hindi aniya nakatulong ang imported rice bagkus ay nagdulot pa ng pagtaas nito.

Maliban dito ay nais ng grupo na magset ng maximum suggested retail price o MSRP sa bigas upang may magsilbing basehan o guide ang mga retailer kung anong presyo ang kanilang ibebenta.

Iminungkahi rin niya na bumili ang National Food Authority ng mas mataas na presyo upang matulongan din ang mga magsasaka sa bansa.