Mga kabombo! Isa ka rin ba sa nahuhumaling at fan ng video game at animated series na Pokemon? Kung ganon, si Charizard din ba ang Generation 1 Starter pokemon mo?
Baka gusto mo rin mahuli ang viral na “Cheetozard” na may customized Pokemon Card sa isang auction?
Ayon sa kilalang magazine, ang three-inch Flamin’ Hot Cheeto o isang chichirya na hugis Charizard ay naibenta agad sa halagang $87,840 o may katumbas na P5-million. Kabilang sa nakuha ng buyer ang premium access nito sa marketplace.
Ang nasabing rare collectible ay may kasamang custom Pokemon card at nakalagay ito sa isang clear card storage box.
Nailagay ito sa marketplace noong Pebrero 10 lamang sa 2025 February Pop Culture Elite Auction at may initial bid na $250 o higit P14,000. Dinagsa ito ng 60 bidders bago maabot ang winning bid na $72,000 o P4-million nitong Marso 2.
Bakit nga ba ito dinagsa? Ayon kase sa marketplace, nadiskubre ito at na-preserve noong 2018-2022 ng isang 1st & Goal Collectibles. Late 2024 nang lumabas ang video nito at nag-viral.
Si Charizard ang kilalang karakter sa Pokemon Franchise noong nagsimula ito. Kabilang ito sa 3 kilalang starter pokemons na sina Balbasaur at Squirtle.