DAGUPAN CITY- Patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng karneng baboy tulad ng liempo, ribs, at laman ng baboy sa pamilihan sa bayan ng Mangaldan.
Dahil dito, nahihirapan ang mga nagtitinda dahil hindi na kayang bilhin ng maraming mamimili ang karne ng baboy.
Ayon sa ilang vendors, nahihirapng makabenta ang mga ito dahil sa presyo.
Dagdag pa, kung masyadong mataas ang presyo, mas kaunti ang bumibili, kaya’t lalong lumalala ang kanilang sitwasyon sa pagtitinda.
Panawagan rin ng mga vendors na sana’y bumalik na sa dating presyo ang karne upang mapagaan ang kalagayan ng parehong mamimili at nagtitinda sa bayan.
Samantala, nakakapagtaka rin ang biglaang pagtaas ng mga prutas sa bayan ngayong buwan.
Ayon sa ilang tindera, maaaring dahil sa kakulangan ng suplay ngayong mainit ang panahon kaya nagsisimahalan ang presyo ng mga pangunahing prutas.
Aniya, mahigit isang buwan na rin nilang nararanasan ang pagmahal ng presyo nito na siyang nagiging dahilan ng kanilang kakaunting kita sa pagbebenta ng prutas.