Nagbanta si US President Donald Trump na ipapatigil nito ang pagpopondo sa mga paaralan o unibersidad na mauugnay sa illegal na pagpoprotesta.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual – Bombo International News Correspondent sa Oregon, USA aniya na may kalayaan ang mga estudyante na magsagawa ng mga protesta siguruhin lamang na ito ay maisasagawa sa mapayapang paraan.
Subalit kapag magiging bayolente ang mga ito gayundin ang mga nagsusuot ng mask dahilan upang hindi makita ang kanilang mukha ay lubos niyang hindi pinapayagan.
Bagaman may mga partikular na lugar na maaaring magprotesta ang mga estudyante subalit kapag nagviolate ang mga ito ay maaaring i-expel o ipadeport upang maibalik sa bansang kanilang pinanggalingan.
Hindi naman tinukoy ni Trump kung ano ang tinatawag na “illegal” na protesta, ngunit dumating ang banta isang araw matapos ipahayag ng kanyang administrasyon na nire-review nito at maaaring tanggalin ang higit sa $50 milyon na kontrata mula sa Columbia University dahil sa “patuloy na hindi pagkilos sa harap ng walang tigil na pang-aabuso sa mga estudyanteng Hudyo.