Dagupan City – Isang seryosong isyu ang paghahawak sa mga suspected spies gitna ng territorial disputes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominick Abril, Legal at Political Consultant, nakakalungkot na ang mga suspected spy ay patuloy na ineetertain sa bansa, dahil kung titignan naman ang realidad ay malaki ang posibilidad na mayroon na silang access sa mga kalayado ng bansang Pilipinas.
Aniya, isa kasi ito sa maaaring gamitin ng mga suspected spies, bilang cover agent’s para makuha ang kanilang nais sa mga pinag-aagawang karagatan ng bansa.
Dahil dito, binigyang diin ni Abril na ang mga ganitong klase ng ulat tungkol sa mga spy ay dapat na agad ma-validate ng mga awtoridad, at kung may sapat na ebidensya, agad dapat na ideport ang mga ito.
Puna pa ni Abril, marami sa kanila ay nagiging bahagi na ng ating mga pulitiko at may layunin na kontrolin ang ating bansa sa mga paraan na maaaring magdulot ng panganib sa pambansang seguridad.
Samantala, kaugnay nito, mariing kinondena ng mga Senador ang mga pahayag ng mga Chinese sa social media na nag-aangkin ng hurisdiksyon sa Palawan at inaangkin na pag-aari ng China ang isla. Matatandaan na kumalat ang isang post sa social media na nagsasabing ang Palawan ay bahagi ng China at pinamahalaan anila ito sa loob ng isang libong taon.
Habang pinaigting din ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang kanyang pagtuligsa sa hakbang ng China na nais angkinin ang Palawan bilang bahagi ng kanilang teritoryo. Patuloy ang panawagan ng mga Senador na magkaisa ang bansa upang protektahan ang ating teritoryo at pagtibayin ang ating soberanya.