Dagupan City – Sa pakikipagtulungan sa Cooperative Development Authority region 1 extension office, Ang Local Cooperative Development Office sa bayan ng lingayen ay matagumpay na nagsagawa ng Cooperative Localized Assistance and Support Program kasama ang Orientation sa Credit Surety Fund Services at Financial Consumer Protection Act at iba pang kaugnay na mga isyu para sa mga lokal na kooperatiba sa naturang bayan.

Sa pangunguna ng alakalde na si Mayor Leopoldo Bataoil kasama ang iba pang mga opisyal ng bayan, ay mainit na tinanggap ang mga kalahok ng kooperatiba.

Naroroon din sa aktibidad ang kinatawan mula sa provides technical support to local population and health offices (PPCLDO) Pangasinan, na nagpapakita ng matibay na pakikipagtulungan sa pagsusulong ng pag-unlad ng kooperatiba sa munisipalidad.

--Ads--

Ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng LGU Lingayen na bigyang kapangyarihan ang mga kooperatiba at pahusayin ang kanilang kakayahang pinansyal.