DAGUPAN CITY- Nagresulta sa isang produktibong kasunduan ang kamakailang dayalogo sa pagitan ng alkalde ng Manaoag at ng mga nagtitinda ng religious articles sa bayan.
Pinag-usapan ang pag-aayos at pag-atras ng mga stall nila mula sa gilid ng kalsada upang mapabuti ang daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga residente at bisita.
Lubos na nagpakita ng kooperasyon ang mga vendor, at nangako silang tutulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa paligid ng kanilang mga negosyo.
Naunawaan ng mga ang kahalagahan ng maluwag na daanan hindi lamang para sa kaginhawaan ng mga motorista at pedestrian, kundi para rin sa pangkalahatang kaligtasan.
Tiniyak naman ng alkalde na patuloy na magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mga programa upang mapabuti ang kalagayan ng bayan at mapanatili ang kaayusan at kaginhawaan para sa lahat.
Samantala, ipinahayag naman ng mga vendor ang kanilang buong suporta sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan at nangako silang susundin ang mga bagong alituntunin.
Handa rin ang lokal na pamahalaan na makipagtulungan upang mapaunlad ang bayan ng Manaoag.