DAGUPAN CITY- Maaaring makapekto sa mga local farmers sa bansa ang ilang mga hakbang ng National Food Authority lalo na sa mga paglalabas ng palay sa merkado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Laeonardo Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers, maaaring makabuti ang ilang mga balak na gawin ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mga magsasaka sa bansa.

Aniya, mayroon pa ring ilang conflict na kaakibat ito, tulad ng panuang mga bodega kaya’t kahil na gustong magbenta ng mga palaya ng ilang mga farmers ay hindi nila ito magawa.

--Ads--

Hinihiling naman ng grupo na sana mapabilis ang pag-ubos ng stock ng palay sa mga bodega dahil maaari itong makatulong sa mga local farmers.

Medyo matumal din ang response ang ilang mga Local Government Units sa offer ng National Food Authority.

Dagdag niya, may epekto talaga ang ilang mga hakbang ng NFA sa mga farmers lalo na sa pabago-bagong presyo nito.