Mahigit 100 percent na sapat ang supply ng mga kamatis at sibuyas sa Region 1.
Ayon kay Vida Cacal, Spokesperson ng Department of Agriculture Region I, bagamat sobra ang suplay nito sa kasalukuyan ay wala namang tapon.
Matatandaan na sa nakaraan ay nagkaroon ng problema ang ilang onion farmers dahil sa peste.
Pero tiniyak ni Cacal na nagsasagawa ang kanilang ahensya ng training sa pest management sa mga magsasaka at sa LGU Agriculture extension workers para maituro sa mga onion farmers ang tamang pangangalaga sa pananim at paano puksain ang pag atake ng mga peste.
Patuloy din ang technical assistance ng DA sa mga onion farmers dahil bukod sa training ay may libreng biological control din sa mga affected farmers, libreng binhi, at fertilizer assistance lalon na sa mga nagtatanim ng high value crops.
Nanawagan naman siya sa mga apektadong magsasaka na maaari rin silang lumapit sa pinakamalapit na municipal agricuture office.