Masyadong matagal ang itinakdang petsa ng senado para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Yan ang inihayag ni Atty. Michael Henry Yusingco – Political analyst na hindi tugma sa utos ng saligang batas ang nasabing petsa lalo na at masyado na itong matagal.
Aniya na kaya naman itong simulan ng Abril 1 dahil ang paghahanda sa pagdinig ay hindi naman mahirap.
Ang proseso ay maituturing na undue delay at hindi naaayon sa utos ng saligang batas.
Kung tutuusin kahit mas maaga pa sa buwan ng Abril ay maaari na itong simulan.
Subalit dahil sa itinakdang petsa ay inaasahang magkakaroon ng masamang epekto sa lipunan ang proseso ng impeachment laban sa bise, dagdag pa ang init ng eleksiyon.
Dapat ay mabantayan ang ganitong diskusyon dahil maraming leksyon na matutunan hindi lamang sa politika kundi maging sa institusyon.
Paalala naman nito na wag mag-away away o magbangayan sa darating na eleksyon at hindi kabastusan o batuhan ng masasama at maaanghang na salita ang gawin.
Bagkus ay isaalang alang kung ano ang tama at makatutulong sa bansa dahil ang pagboto ay pagboto para sa kinabukasan ng lahat.