Maaaring bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.
Kung saan sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na aasahan ang ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo batay sa apat na araw na kalakalan sa MOPS (Mean of Platts Singapore).
Ang tinatayang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ay ang mga sumusunod:
Gasolina – rollback ng P0.90 hanggang P1.20 kada litro
Diesel – rollback ng P0.90 hanggang P1.20 kada litro
Kerosene – rollback ng P1.30 hanggang P1.50 kada litro
Ipinunto ng opisyal ng enerhiya ang mga sumusunod na global na kaganapan na maaaring makaapekto sa galaw ng presyo ng petrolyo: gaya na lamang ng mabagal na demand sa gasolina sa Korea dahil sa pagbabawas ng mga benepisyo sa buwis, Mataas na imbentaryo ng mga pinong produkto mula sa US, Pagbaba ng geopolitical na panganib dahil sa progreso sa kasunduan para sa ceasefire ng Ukraine at Russia gayundin ang mga darating na taripa mula sa US ay maaaring magpabagal sa demand.