Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ng Region 1 Medical Center (R1MC) ang isang Fun Run bilang parte ng pagdiriwang ng ika-100 taon anibersaryo ng nasabing ospital.
Ang R1MC Centennial Fun Run na may temang “Takbo para sa Puso” ay ginanap sa De Venecia Road, Brgy. Lucao, syudad ng Dagupan.
Sa pangunguna ni, ang Medical Center Chief ng R1MC katuwang ang Pangasinan Police Provincial Office (Pang PPO) sa pangunguna ni PCol Rollyfer Capoquian ang Provincial Director ng Pang PPO, naging makabuluhan ang kanilang inorganisang aktibidad para sa huling araw ngayong buwan ng Pebrero.
Nasa humigit-kumulang 1300 mga kalahok ang dumalo sa aktibidad na ito kabilang na ang hanay ng kapulisan ng lalawigan, BJMP, Phil. Coast Guard, empleyado mula sa R1MC at ilan pang mga indivbidwal.
Nagtampok ng mga parangal ang mga nanguna sa 3K Run at 5K Run at Special Awards naman para sa mga Couple Runner, Youngest Runner, at Oldest Runner.
Ayon kay Ret General Arturo Lomibao, ang nagsilbing panauhing tagapagsalita at ang naparangalan bilang Oldest Runner sa edad na 75-anyos, nasa serbisyo pa lamang siya ay nakahiligan na niya ang ganitong klaseng aktibidad.
Ayon kay Lomibao, kahit na 16 taon na siyang wala sa serbisyo, patuloy pa rin siyang aktibo sa pagtakbo, isang aktibidad na kanyang naging hilig noong siya ay nasa serbisyo pa.
Binanggit niya na mahalaga ang kalusugan, lalo na sa mga senior citizen, dahil abse sakanyang paniniwala na kapag malampasan ng isang tao ang edad na 80, madadagdagan pa ang kanyang lakas ng hanggang 10 taon pa.
Natuwa rin siya aniya sa pag-oorganisa ng R1MC sa aktibidad na ito dahil ito ay nagbigay inspirasyon sa lahat ng mga kalahok na magsanay at magpatuloy sa pagpapabuti ng kalusugan sa pamamagitan ng pisikal na aktibidad, isang mensahe na ibinahagi rin ni Ret. General Lomibao sa kanyang mga kapwa senior citizens.
Samantala, nanguna si Eric Joaquin sa 3K Run sa bilis na 9 mins. & 38 secs.; 12 mins. & 29 secs. naman ang bilis ng takbo ni Raymond Torio na naguna sa 5K Run; nakuha naman nina Ice Marquez at Vinick Marquez ang Couple-Runners Award; Youngest-Runner Awardee si Staphanie Jane Daciego, 9 taong gulang; at si Ret. Gen. Arturo Lomibao, 75 taong gulang ang nakakamit ng Oldest-Runner Awardee.