DAGUPAN CITY- Dapat na pagtulungan ng lahat ng mga stakeholders ang pagkuha ng plaka sa mga libo-libong unregistered na sasakyan sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ariel Lim – National President, NACTODAP, napakalaki ng maaaring maging epekto ng kasalukuyang isiusulong na programa sa mga motorista dahil sa laki ng backlog ng mga sasakyan sa bansa.
Aniya, dapat ring tumulong ang mga dealers ng mga motorsiklo dahil sila ang nakaalam ng ilang mgamga hakbang kng ano ang mga at dapat gawin upang mapadali ang mga hakbangin.
Nakikita rin ng grupo na gustong na sumunod ng LTO sa DOTr, ngunit hindi madali para sa lahat.
Hindi rin biro ang bilang ng mga record ng unregistered na plaka sa Pilipinas na dapat tugunan.
Dagdag niya, tila isang impulsive move ang mga nangyari ngunit maganda naman ang hangarin kaya’t dapat na pagtulungan ang mga dapat tugunan.
Dapat rin umanong may pakialam ang lahat ng mga sangkot ukol sa nasabing isyu upang agad na matugunan kung ano man ang mga pagkukulang.