DAGUPAN CITY- Makalipas ang dalawang linggo ay muling nagkaroon ng sunog sa bahagi ng dumpsite sa Tondaligan, sa syudad ng Dagupan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan, agad nirespundihan ng kanilang tatlong truck ang naturang sunog matapos makatanggap ng tawag mula sa mga kalapit na residente.

Batay naman sa mga residente, pasado alas-10 ng umaga nang magkaroon ng sunog sa nasabing lugar.

--Ads--

Sa pagkakataong ito, mas makapal at mas maitim ang sunog kumpara sa nakaraang mangyari ito.

Ito rin ang pinapangambahan ng mga residente lalo na kung maulit muli ang insidente.

Samantala, nagpaalala naman ang BFP bilang Fire Prevention Month ang susunod na buwan ng Mayo, na maging malinis sa kapaligiran at antabayanan ang mga naaksaksak na appliances upang makaiwas sa sunog.