DAGUPAN CITY- Nagdaos ng isang komprehensibong committee hearing ang Sangguniang Bayan Committee on Finance, Budget, and Appropriations sa bayan ng Bayamabang.
Katuwang ang mga kasapi ng Committee on Rules, Laws and Ordinances, at Barangay Affairs.
Sa nasabing pagdinig, tinalakay at binusisi ang mga detalye ng Supplemental Budget proposals mula sa 77 barangays para sa taong 2025.
Ang mga nasabing panukala ay nagpapakita ng mga karagdagang pondo para sa mga proyekto at serbisyo na tutugon sa mga pangangailangan ng bawat barangay.
Sa committee hearing, dumalo ang mga kinatawan mula sa mga bawat Barangay na kabilang sa inisyatiba.
Kabilang na ang mga Punong Barangay, Barangay Treasurers, at mga Chairman ng Committee on Appropriations mula sa mga barangay ng Malioer, Paragos, Balaybuaya, Idong, Tatarac, Magsaysay, Manambong Sur, at Bacnono.
Ang serye ng mga pagdinig ay layuning tiyakin ang transparency at tamang paggamit ng pondo, pati na rin ang pagpapatibay ng mga proyektong magpapalakas sa lokal na pamahalaan at maghahatid ng mas magandang serbisyo sa mga residente ng bawat barangay.
Inaasahan ding magpapatuloy ito upang masusing masuri ang lahat ng mga panukalang budget at masiguro ang tamang alokasyon para sa kapakanan ng mga mamamayan.