DAGUPAN CITY- Ayon kay Benito Jazmin ang siyang Municipal Agriculturist sa bayan, layuning tulungan ng departamento ang mga magsasaka, hindi lamang ang mga programa sa rice, corn, livestock, at aquatic resources ang ipinatutupad, kundi pati na rin ang pagpapalakas ng mga imprastruktura sa bayan na tiyak na makikinabang ang mga magsasaka.

Isa sa mga unang hakbang ay ang pagtatayo ng drying facilities sa mga barangay upang matulungan ang mga magsasaka sa tamang pag-aani at pag-iimbak ng mga produkto.

Malaking hakbang rin ito upang maiwasan ang pagbibilad ng mga palay sa kalsada, isang gawain na maaaring magdulot ng abala sa mga motorista.

--Ads--

Sa pamamagitan ng drying facilities, magkakaroon ang mga magsasaka ng mas maginhawang paraan para matiyak ang kalidad ng kanilang ani.

Ibinahagi ni Jazmin na ang mga hakbang na ito ay magbibigay ng mas maraming oportunidad at kaalaman sa mga magsasaka ng Mangatarem.