DAGUPAN CITY- Inihayag ng Dagupan City Health Office na bahagyang tumaas ang kaso ngayong taon kumpara sa kaso nito sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon kay Dr. Ophelia Rivera ang Medical Officer IV ng nasabing opisina na mayroon na silang 66 na kaso simula enero habang nagkaroon na ng kaso ng pagkasawi dahil sa sakit kung saan mula ito sa barangay Poblacion Oeste.

Aniya na hindi maipagkakaila na mataas na din ang kaso noong nakaraang taon kaya patuloy parin ang kanilang mga ginagawang hakbang upang pababa ito dito sa lungsod lalo na sa pagtutok sa mga paaralan sa pagsasagawa ng misting at iba pang hakbang upang mapababa ito ngayong taon.

--Ads--

Dagdag nito na ang mga may pinakamatataas na kaso ng dengue sa 31 barangay sa lungsod ay sa barangay Pantal at mga barangay ng Bonuan.

Nagbigay naman ito ng mga dapat gawin na laging paalala ng kanilang opisina gaya ng 5S Strategy tulad ng Search and Destroy Breeding site, Seek Early Consultation, Self Protection measure, support fogging at sustain hydration o stay hydrated upang makaiwas sa sakit na ito.

Mas mainam aniya talaga na sundin ang mga estratehiyang ito dahil ang dengue ay hindi nawawalang kaso sa kanilang Health Office kumbaga all year round na ito.

Samantala, Ipinaliwanag din nito na sa madaling araw bandang alas 5 o alas 6 at sa hapon hanggang gabi bandang alas 5 hanggang alas 7 nangangagat ang mga lamok na may dala-dalang Dengue Virus gaya ng Aedis Egyptie.