Mga kabombo! Patuloy ka pa rin bang naghahanap ng iyong soulmate? Dahil sa sobrang busy mo sa trabaho ay naniniwala ka nalang sa konsepto ng love can wait?
Yung tipong kahit lampas ka na sa edad na 40s ay umaaasa ka paring makakahanap ng the one?
Sabi nga nila edad lang ang tumatanda subalit ang puso hindi.
Isang OFW na nagngangalang Diamond ang ngayon lang itinagpo sa soulmate at nakasal ng 40 years old.
Aba! Akalain nga naman at may nanalo na.
Ito ay matapos ang ilang taon ng pagtatrabaho bilang isang workaholic OFW sa iba’t ibang bansa, sa Dubai lang pala niya matatagpuan ang kanyang Mr. Right.
At sa wakas ay nakatagpo na siya ng isang taong tunay na magmamahal sa kanya, subalit mabilis na kinwestyon ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang kanilang relasyon.
Ayon kay Diamond, may iilang kamag-anak at kaibigan na haters nila. Kung saan saad ng mga ito na maghihiwalay din daw sila. Subalit ang dalawa dedma sa mga bashers.
Kaya’t payo nito sa ilang mga Pilipino na patuloy pa ring naghahanap ng kanilang soulmate, kahit na lampas na sa kanilang 40s aniya na sa lahat ng mga nag-aantay ng forever, may nakalaan si God at magtatagpo rin kayo sa tamang panahon.