DAGUPAN CITY – Natrauma ang isang magkasintahan mula sa Australia nang ilagay ang bangkay ng isang yumaong pasahero sa tabi nila sa isang Qatar Airways flight.

Sinabi nina Mitchell Ring at Jennifer Colin, na papunta sa Venice para sa bakasyon, nasawi ang naturang babae sa aisles malapit sa kanila habang nasa biyahe mula Melbourne patungong Doha.

Ayon sa magkasintahan, iniupo ng mga cabin crew ang katawan ng babae, na natakpan ng mga kumot, sa tabi nila para sa natitirang apat na oras ng flight at hindi inilipat sa iba kahit na may mga bakanteng upuan.

--Ads--

Humingi naman ng paumanhin ang Qatar Airways para sa anumang abala o stress na dulot ng insidenteng ito.

Sinabi ng magkasintahan na hindi man lang nakipag ugnayan sa kanila ang ang airline .

Giit ng mga itona kailangan magkaroon ng isang protocol upang matiyak na ang mga pasahero ay mabibigyan ng tamang pangangalaga sa ganitong mga sitwasyon.