Mga Kabombo! Mahilig ka ba sa “Cheesy”?

Baka matakam ka sa world record ng isang French Cheese Company sa kanilang largest cheese fondue.

Nagluto lamang ang kumpanyang ito ng 4,800 pounds of cheese fondue upang higitan ang ‘unofficial record’ ng kanilang Swiss Rival.

--Ads--

Ginanap ang World breaking event sa For des Rousses, Les Rousses, sa France.

Gumamit naman sila ng napakalaking copper couldron upang subuking lutuin ng 40 gulong ng comté cheese. Dinagdagan naman ito ng mga fondue chefs ng Chardonnay at Savagnin white wines, 4.4 pounds ng bawang, 3.3 pounds ng white pepper, at 121 pounds ng cornstarch.

Para mapagtagumpayan ang pagluto, gumamit rin sila ng malaking food processor upang haluin ang mga nasabing sangkat at matiyak ang magandang resulta nito.

Nagawa naman nilang malamangan ang 4,495 pounds record matapos silang makapagtala ng 4,800 pounds na bigat ng kanilang fondue.