Dagupan City – Iniulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan City na posibleng maranasan pa ng bansa ang epekto ng La Niña hanggang Abril.

Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr., Chief Meteorologist ng nasabing opisina na may posibilidad na magkaroon ng transisyon ng nasabing advisory papuntang neutral na kondisyon sa buwan ng Marso.

Posible pa rin ang mga localized thunderstorm, lalo na sa hapon at gabi, na maaaring may kasamang pagkidlat at pagkulog.

--Ads--

Samantala, wala namang nakataas na gale warning sa karagatan ng Pangasinan. Gayunpaman, dahil sa northeast monsoon, may posibilidad ng pagtaas ng alon na umaabot sa 0.6 hanggang 2.5 meters.

Pinaalalahanan ni Engr. Estrada ang mga mangingisda na gumagamit ng maliliit na bangka na maging maingat dahil sa posibilidad ng biglaang pagtaas ng alon.