DAGUPAN CITY- Nagsagawa ng isang matagumpay na Information-Education-Communication (IEC) campaign ang Local Civil Registry Office (LCRO) upang magbigay kaalaman sa tamang pagrerehistro at mga update ukol sa mga Memorandum Circulars mula sa Philippine Statistics Office.

Ang aktibidad ay ginanap sa Amancosiling Elementary School sa bayan ng Bayambang na dinaluhan ng mga guro, magulang, at mga opisyal mula sa barangay.

Layunin ng kampanyang ito na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa tamang proseso ng civil registration at maiwasan ang mga karaniwang pagkakamali sa mga civil registry records.

--Ads--

Ang mga impormasyon ay makakatulong upang mapabilis ang mga proseso at mapanatili ang katumpakan ng mga dokumento.

Ang pangunahing tagapagsalita sa nasabing kampanya ay si MCR Ismael D. Malicem, Jr., na nagbigay ng detalyadong paliwanag at naglaan ng oras upang sagutin ang mga katanungan mula sa mga magulang at guro.

Kasama rin sa aktibidad ang Community Service Card team na nagsagawa ng data capture at nagbigay ng assistance sa iba pang mga proseso ng Local Civil Registry.