DAGUPAN CITY- Naging oportunidad sa political dynasty na pasukin ang Partylist system ng bansa dahil sa parehong benepisyo at budget nito sa District Reprenstative ng lower house.

Ayon sa panaya ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Rona ‘Ona’ Caritos, Executive Director ng Legal Network for Truthful Election, hindi lamang para sa marginalized at sa ilalim ng mga nirerepresentang sektor ang Partylist sa bansa at naging bukas ito sa sinumang grupo na nais magrepresenta, batay sa pagkaratipika ng 1987 Constitution.

Aniya, ang pinagkaiba lamang nito sa District Reprenstatives ay buong bansa ang kanilang voting population.

--Ads--

Ito ang nakitang oportunidad ng mga politikong sangkot sa political dynasty na pasukin ang Partylist.

Samantala, nakikiusap naman si Atty. Caritos na maging basehan ng mga botante ang may politikong may plataporma at hindi ang talento lamang ang ipinapakita.

Aniya, mas bukas ang henerasyon ngayon sa mga impormasyon hinggil sa background ng mga kandidato kaya mabuting busisiin ang mga ito.

Dapat bantayan ang mga aspirante na sobra-sobra ang paggamit ng budget sa pangangampanya, gayundin sa paggamit ng mga ito sa kagamitan ng gobyerno.

Naging kaugalian na rin kase ng mga kumakandidato ang i-take advantage ang kakulangan o butas sa batas para sa kanilang pangangampanya.