DAGUPAN CITY- Ang pagkakaroon ng double pneumonia o bilateral pneumonia ay ang pagkalat ng virus, bacteria, o fungus ng apektadong baga sa kabilang baga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Glenn Soriano, US Doctor and Natural Medicine Advocate, ang pagiging kritikal ng kondisyon ng isang pasyenteng may double pneumonia o bilateral pneumonia ay nakadepende sa kalagayan nito.

Aniya, kadalasan nakakaapekto ito sa mga indibidwal na may mahinang resistensya o immune system.

--Ads--

Kaya mahalaga ang ginagampanan ng vaccination o booster shots sa mga tao upang mas mapalakas pa nila ang kanilang laban sa nasabing sakit.

Sa pamamagitan nito. sa loob ng 3-araw ay magagawa nang mapawala ang bakterya, virus, at fungus.

Pagpapaliwanag naman ni Dr. Soriano, makakatulong ito upang maiwasan ang paglala ng sakit at hindi na makaapekto sa iba pang kalapit na organs, katulad ng puso na maaaring magkaroon ng enlargement.

Kabilang naman sa sintomas nito ay ang pag-ubo, lagnat, pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, pagkapagod, pagkalito lalo na sa mga matatanda, pagduduwal at pagsusuka, pagdudumi, at mabilis na tibok ng puso.

Bagaman ito ay dulot ng bakterya, virus, at fungus, ang paglala nito ay hindi nadadala sa surgery o anumang operasyon at kinakailangan lamang ng antibiotics, antiviral medications, antifungal medications, at iba pang suportang pangangalada.

Dagdag pa ni Dr. Soriano, maliban naman sa booster shots, makakatulong ang magandang lifestyle upang magkaroon ng malakas na resistensya laban sa pagkakaroon at paglala ng pneumonia.