Pinag-iisipan na ng France kung anong aksiyon ang maiging gawin hinggil sa suspek sa insidente ng pananaksak sa isang pamilihan sa silangang bahagi ng nasabing bansa kung saan inilarawan ito ng mga awtoridad ang pangyayari bilang isang terrorist attack.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladelyte Valdez – Bombo International News Correspondent sa France maraming mga diskusyon ang nangyayari sa kasalukuyan kaugnay sa insidente at ang gobyerno ng France ay humingi sa embassy ng Algeria na makabiyahe pabalik ang suspek subalit tinanggihan nila ito.
Dahil dito ay mas magiging mahigpit na din sila sa iba pang mga nasyunalidad.
Aniya na batay sa ulat isang portugese national ang nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon subalit ang iba naman ay nasa maayos ng kalagayan.
Hinihinala naman ng mga opisyal na ang insidente ay kaugnay ng mga migration issues at Islamic terrorism.