Dagupan City – Naganap ang isang makasaysayan na Memorandum of Agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at ng Bengzon-Gonzales Family matapos ang limang taon na para sa proyektong makakatulong sa bayan ng Lingayen.
Layunin ng kasunduan na ito na palakasin ang sektor ng turismo sa bayan ng Lingayen, partikular sa eco-tourism, campsite, at government center, na itatayo sa donasyong lupa ng pamilya Bengzon-Gonzales sa Barangay Poblacion.
Ang proyektong ito ay inaasahang makatutulong upang mapabuti ang daloy ng trapiko sa sentro ng bayan at maisulong ang flood control measures upang maiwasan ang pagbaha sa lugar.
Ang paglagda ay pinangunahan ng local na pamahalaan ng bayan sa pangunguna ng alklade at bise alcalde kasama ang Municipal Administrator, mga department heads, at maging mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Segundo Distrito ng Pangasinan.