Mga kabomo! Mahilig ka rin ba sa lego o ang mga building-blocks na kinagigiliwan ngayon ng mga bata at maging mga mattanda? Ilan na ba ang mga nakumpleto mong collector editions?

Ngunit baka ito na lang ang wala sa iyong koleksyon, ang isang lego brick na kasing laki lamang ng human white blood cell.

Ito ang naging daan para kay David Lindon ng Bournemouth, England para makapagtala ng kakaibang Guinness World Record.

--Ads--

Ang nasabing micro-artist ay gumawa ng isang lego brick na may laki lamang na .00099 inches x .00086 inches. Ito ay apat na beses na mas maliit pa sa tinalo nitong record-holder sa titulong “smallest handmade sculpture.”

Subalit, ayon kay Lindon, hindi ito naging madali sa kaniya dahil para mapagtagumpayan ito, labis pagod sa kaniyang pisikal at mentalidad ang kaniyang pinagdaanan. Kaya bago ang lahat, kaniya munang sinanay ang sarili sa mabagal na paghinga at maging sobrang maingat at mahinahon dahil amging ang pulso ng tibok ng kaniyang puso ay nakakaapekto sa kaniyang mga daliri.