Dagupan City – Isinagawa ang isang pagpupulong sa Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan upang talakayin ang mga detalye at paghahanda para sa Balikbayan Tour at Harvest Festival na gaganapin sa ika-3 araw sa buwan ng Marso.

Dumalo sa pagpupulong ang mga kasapi ng working committee, kabilang na ang mga opisyales mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan at mga sektor ng komunidad, upang masigurong magiging maayos at matagumpay ang isasagawang kaganapan. Tinalakay nila ang mga aktibidad at hakbang upang maging maginhawa at masaya ang karanasan ng mga makikilahok.

Ayon sa mga kasapi ng committee, pangunahing layunin ng kaganapan ang magbigay pugay at pasasalamat sa mga balikbayan at magsasaka, habang ipinagdiriwang ang tagumpay ng mga ani sa harap ng makulay na kapistahan. Tinutukan din nila ang mga kinakailangang logistic at koordinasyon para sa smooth na daloy ng mga aktibidad.

--Ads--

Inaasahan na ang mga residente mula sa bayan ay aktibong makikibahagi sa okasyong ito, na isang pagkakataon upang magtipon-tipon at muling maranasan ang kasiyahan at makulay na tradisyon ng kanilang bayan.