Dagupan City – Sumabak sa dalawang araw na Sustainable Livelihood Program (SLP) Capability Training on Food Processing ang pitong asosasyon ng programa mula sa Alaminos City.
Layon ng programang ito na makapagbigay ng karagdagang pagkakakitaan sa mga kalahok. Kung saan nagsanay sa paggawa ng Longganisa, Tocino, at Boneless Bangus sa tulong ng mga eksperto.
Ang pagsasanay ay isinagawa sa Office of the Provincial Agriculture (OPAG) Function Hall na pinangasiwaan ng local na Pamahalaan ng Alaminos sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office.
Samantala, buo naman ang nagging suporta ng alkalde ng lungsod sa lahat ng mga lumahok kung saan nagpahayg naman ito ng kanyang mensahe
Ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ay isang programa ng gobyerno ng Pilipinas na naglalayong makapagbigay ng mga oportunidad sa pagkakakitaan at pag-unlad sa mga komunidad, partikular sa mga mahihirap na pamilya.