Dagupan City – Nasa kabuuang 1,269 na regular na indigent senior citizens ang tumanggap ng kanilang pensiyon para sa unang quarter ng 2025 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1.
Ang distribusyon ng mga pensiyon ay isinagawa sa 3rd floor ng Municipal Hall ng bayan sa ilalim ng pangangasiwa ng lokal na pamahalaan.
Lubos na ikinagalak ng alkalde ang pagkakataong makasalamuha ang mga senior citizens at personal na maipamahagi ang tig-tatlong libong pisong pensiyon na magsisilbing tulong sa kanilang pangangailangan. Ang pensiyon ay layong makatulong sa mga senior na may kakulangan sa pang-araw-araw na gastusin, tulad ng pagkain at gamot.
Pinangunahan ng DSWD Region 1 at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang mga kawani mula sa iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan, kabilang ang Community Affairs Office (CAO), Public Order and Safety Office (POSO), General Services Office (GSO), at Child Development Workers (CDW), ay nagtulungan upang tiyakin ang maayos na proseso ng pamamahagi.
Para sa mga nais mapabilang sa social pension, hinihikayat ang mga senior citizens na makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay senior citizens association upang dumaan sa validation process at makasama sa mga susunod na payout.