Naglabas ang NASA ng bagong datos na nagsasabing ang 2024 YR4 na asteroid ay maaaring magdulot ng panganib sa ilan sa mga pinaka-mataong rehiyon sa mundo kung ito ay tatama sa mundo
Maaaring tumama ang 2024 YR4 sa isang “risk corridor” na tinukoy ng NASA na umaabot mula sa silangang bahagi ng Karagatang Pasipiko, hilagang bahagi ng Timog Amerika, Karagatang Atlantiko, Africa, Arabian sea, at Timog Asya.
Kasama sa mga lungsod na maaring tamaan ng asteroid ang Bogota sa Colombia, na may higit sa 11.6 milyong tao, ang metropolitan area ng Mumbai sa India na may populasyon na 18.4 milyon, at Dhaka sa Bangladesh, na may higit sa 23.9 milyong tao.
Binago ng NASA ang pagtataya ng panganib ng pagkakabangga matapos makakalap ng mas maraming impormasyon tungkol sa orbit ng asteroid.
Tinaya ng European Space Agency (ESA) na may tsansang 2.8 porsyento, mas mataas na antas ng banta kumpara sa asteroid ng Apophis noong 2004.
Una rito ay tinayang tatama ito sa Earth sa 2029 ngunit tinanggal ang teoryang ito matapos ang karagdagang pag-aaral.