DAGUPAN CITY- Dumarami ang naitatalang kaso ng teenage pregnancy sa rehiyon uno kung saan, batay sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA) Region 1, ay nasa edad 15 pababa ang mga nabubuntis.
Ayon kay Ms. Mae Grace Ariola, Information Officer ng Commission on Population and Development, sa isinagawnag kapihan sa Ilocos na kung ikukumpara sa mga datos noong 2020 ay mayroong naitala na 38 kaso ng teenage pregnancy, at noong taong 2021 ay aniya tumaas ang kaso nito na kung saan umabot sa 137 na bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis sa edad na 15 years old pababa.
Samantala, aniya na bagamat tumaas ang kaso ng under 15 years old ay bumababa naman ang kanilang naitala na edad 15 years old hanggang 20 years old na mga kabataang nabubuntis kung ikukumpara noong taong 2020 na 6,820 at bumababa ito noong taong 2023 na 5,977 ang naitala ng tanggapan sa buong rehiyon uno.
Saad pa niya na maraming dahilan kung bakit ito nangyayari gaya na lamang ng institutional factor na ibig sabihin ay ang mga programa na kanilang ibinababa sa mga local government units ay hindi naayon sa mga pangangailan ng kabataan, at ang Family factor, kung saan hindi nagkakaroon ng komunikasyon ang mga magulang sa kanilang anak pagdating sa ganitong usapin, at maari na nakakaepekto sa mga ito ay ang paggamit ng social media at iba pa na hindi nagagabayan nang maayos ng mga magulang at nakkaatanda sa kanila.
Kaya naman kaugany nito ay mas lalo pa nilang pinapalawakang mga programa at hakabangin na makakatulong sa pagpapababa at maiwasan ang teenage pregnancy sa rehiyon.