DAGUPAN CITY- Bumisita si Secretary Robert E.A. Borje, ang Vice Chairperson at Executive Director ng Climate Change Commission, sa lalawigan ng Pangasinan upang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at itaguyod ang mga hakbang para sa mas malalim na pang-unawa at aksyon ukol sa climate change.
Sa kanyang pagbisita, ipinakita ang mga inisyatiba ng pamahalaang panlalawigan na tumutugon sa mga hakbang na nakatuon sa Climate Change Adaptation at Mitigation, kabilang ang mga makabagong proyekto at mga best practices.
Tinukoy ni Secretary Borje ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at ahensya ng gobyerno upang magtagumpay sa pagharap sa mga hamon ng climate change.
Ang pagbisitang ito ay nagbigay ng pagkakataon upang talakayin ang pagpapalakas ng mga ugnayan at kolaborasyon ng Climate Change Commission at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Pinagtibay rin ang mga hakbang upang matiyak ang isang sustainable at matatag na kinabukasan, na nakasentro sa pangangalaga ng kalikasan at ang pagpapaigting ng mga adbokasiyang may kinalaman sa sustainability.