Kailangan din ng quality job hindi quantity lang.
Yan ang mariing inihayag ni Josua Mata, Secretary General ng SENTRO hinggil sa datos na umuunlad ang kalidad ng trabaho sa bansa.
Aniya na hindi tama ang mga lumalabas na datos na ito dahil hindi naman regular na trabaho ang nalilikha kundi kontraktwal lamang.
Dahil dito marami parin sa mga Pilipino ang ninanais na lamang na mangibang bansa.
Malinaw na hindi nag-gegenerate masyado ng trabaho ang insdustriya marahil wala namang industrial policy para suportahan ng gobyerno ang pag-unlad nito.
Bukod dito ay dapat ding ayusin ang public investment at mapababa din ang presyo ng kuryente sa bansa.
Kaya’t nanawagan ito na upang mapaunlad ang kalidad ng trabaho sa Pilipinas ay dapat hayagang makialam ang gobyerno sa paglikha ng trabaho.