Dagupan City – Nag-inspeksyon ang Lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan sa isinasagawang proyekto ng pagpapaganda sa kalsada at drainage system sa Barangay Bonuan Boquig, Sta. Maria sa lungsod kahapon araw mg sabado.
Ang proyekto ay bahagi ng mga hakbang upang mapabuti ang mga imprastruktura sa nasabing barangay at masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng proyekto na mag-upgrade ng PCC (Portland Cement Concrete) pavement at mapabuti ang drainage system upang maiwasan ang pagbaha tuwing tag-ulan. Inaasahan ng mga tao sa barangay na magiging malaking tulong ito sa kanilang araw-araw na buhay.
Sa ngayon, patuloy ang pagsusuri sa kasalukuyang kondisyon ng mga kalsada at mga drainage system.
Tinututukan naman ng lokal na pamahalaan ang bawat aspeto ng proyekto upang matiyak ang kalidad ng mga gawaing ito.
Ang proyekto ay isang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lgu na mapabuti ang imprastruktura at ang kalagayan ng mga komunidad sa buong lugar, na makikinabang ang mga residente sa mas maayos at ligtas na kalsada at drainage system.