DAGUPAN CITY- Matagumpay na nadakip ng kapulisan ng Nueva Ecija ang Top 7 most wanted person ng Talavera at dalawa pang indibidwal sa magkakahiwalay na operasyon kamakailan.
Isang 34-anyos na residente ng Barangay San Pascual, Talavera ang unang nadakip sa isang Manhunt Charlie operation na pinagsamahan ng Talavera Police Station at Sto. Domingo Police Station sa Barangay Baloc, Sto. Domingo. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Sa isang hiwalay na operasyon sa Barangay San Pascual, Talavera, nadakip naman ang isang 32-anyos na lalaki dahil sa warrant of arrest para sa paglabag sa RA 8424 (Unlawful Possession of Article Subject to Excise Tax Without Payment of the Tax) at Walang inirekomenda na piyansa para sa kanyang paglaya.
Samantala, isang buy-bust operation naman ang isinagawa ng Llanera Police Station sa Barangay Inanama.
Nadakip dito ang isang 32-anyos na drug trader mula sa Barangay Sinipit Bubon ng San Jose City kung saan nakumpiska ang 0.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 4,080.00 na nahaharap din ito sa kasong paglabag sa RA 9165.
Samantala, Pinuri ng Nueva Ecija Police Provincial office ang tagumpay ng mga operasyon ng mga kapulisa sa mga nabanggit na lugar na nagpapakita ng kanilang determinasyon na sugpuin ang krimen sa lalawigan.