Pumalo sa 485.1 percent ang rice stock inventory ng National Food Authority (NFA) noong Enero kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang NFA depositories ay nagtala ng 284,810 metric tons (MT), malaki ang itinaas mula 48,680 MT rice stocks noong January 2024.

Sa isang panayam kay NFA Administrator Larry Lacson, ang pagtaast sa national rice buffer stock ay dahil sa mas mataas na buying price scheme para sa local palay, na itinakda sa P23/kg. hanggang P30/kg. para sa dry palay, at P17/kg. hanggang P23/kg. para sa fresh o wet palay.

--Ads--

Inaasahan na tumaas paang NFA rice stocks dahil sa ipinatutupad na “flexible” buying scheme.

Pagdating sa mga nalulumang stocks, sinabi ni Lacson na ang NFA ay may 80,000 MT na ipalalabas.

Sa kasalukuyan, nagsimula na aniyang bumili ng palay ang NFA sa Negros Occidental at Misamis Oriental sa presyong mula P23/kg hanggang P24/kg sa ilalim ng flexible procurement scheme.