Nagsasagawa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng iba’t ibang programa upang matiyak ang tuloy-tuloy at matagumpay na koleksyon,

Ayon kay Mercelito Caday Jr. – Head, Client Support Unit ng Office of the RD, una sakanilang layunin ang magbigay ng de-kalidad na serbisyo sa kanilang mga taxpayer.

Tinututukan nila ang pagpapabuti ng kanilang mga pasilidad at opisina alinsunod sa mga pamantayan ng Quality Management System Certification.

--Ads--

Sa nakaraang tatlong taon, nakamit nila ang pagiging certified sa kanilang frontline services.

Kasama rin sa kanilang mga programa ang Taxpayer Compliance Monitoring Program at ang Enforcement Program, kung saan kabilang ang mga inisyatiba tulad ng Oplan Kandado, kung saan ipinapasara ang mga negosyo na hindi sumusunod sa mga regulasyon.

Pati na rin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tax evaders at mga may kinalaman sa pekeng transaksyon.

Pinagtutuunan din ng pansin ang mga delinquent accounts, o mga accounts na nakatanggap na ng mga paalala ngunit hindi pa rin nagbabayad ng kanilang buwis.

Bukod dito, binibigyan din ng pansin ang mga electric facilities, kabilang ang power generation at mga solar energy projects tulad sa lalawigan Ilocos Norte.

Samantala, may mga payment facility ang BIR na pwedeng gamitin ng mga taxpayers sa pamamagitan ng electronic payment facilities para sa mas magaan at mabilis na proseso.

Para sa mga one-time transactions, ang serbisyo ay libre.

Mayroon din silang daily briefings na isinasaayos para sa mga bagong registrants upang mas maipaliwanag ang mga proseso at regulasyon.

Bukod dito, nagsasagawa sila ng mga seminars na maaaring face-to-face o online, upang magbigay ng tamang kaalaman at gabay sa mga taxpayer.

Mayroon ding online registration and update system na nagbibigay-daan sa mga taxpayers upang magrehistro at mag-update ng kanilang mga impormasyon nang madali at mabilis.

Ang mga programang ito ay naglalayong mapadali ang pakikipag-ugnayan ng mga taxpayer sa BIR at mapabuti ang kanilang compliance.

Dahil sa mga programang ito, layunin ng BIR na mapabuti ang pag-sunod ng mga taxpayers at mapataas ang koleksyon sa bansa.