Dumarami na naman ang pagdidikit ng mga campaign poster o mga materyales sa mga puno ng mga kandidato kung saan ito ay lumilikha lamang ng dagdag na basura sa bansa.

Ayon kay Thony Dizon, Campaigner Ban Toxics dapat ay gumamit na lamang ang mga ito ng recyclable materials at kung ang mga aspiring candidates ay talagang may pagpapahalaga sa kanilang mga kababayan ay dapat ipakita ang kanilang pagmamalasakit sa kalikasan.

Manalo man sila o matalo ay dapat ito ang maging prayoridad lalo na sa kabila ng isyu ng basura sa bansa.

--Ads--

Aniya na dapat ito ang maging puso ng kanilang programa bukod sa iba pang mga isyu o usapin sa lipunan.

Kaya’t patuloy silang nananawagan at nagbabantay sa mga lugar kung saan inilalagay ang mga campaign materials gayundin ang panghihikayat sa mga kandidato na huwag basta-basta ikakabit kung saan-saan ang kanilang mga posters.