Nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng karagdagang pagbaha habang patuloy na naaapektuhan ng shear line ang maraming lugar sa bansa.
Sa isang briefing, sinabi ng weather specialist ng PAGASA na si Chenel Dominguez na naranasan ang malakas hanggang matinding ulan sa Palawan, Sorsogon, Albay, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte, Southern Leyte at Biliran kahapon .
Nabalitaan din ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Quezon, Oriental Mindoro, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.
Sa Palawan, ang Philippine Coast Guard (PCG) at ang Philippine Red Cross (PRC) ay magkahiwalay na nagsagawa ng pag-rescue sa 91 pamilya at 56 na tao sa ilang komunidad sa Puerto Princesa City noong Linggo.
Binigyang-diin niya na bukod sa shear line, ang northeast monsoon at easterlies ay nakakaapekto rin sa ibang mga lugar.
Inaasahan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan mula ngayon hanggang Miyerkules ng tanghali sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte at Camarines Sur.
Ayon sa PCG District Palawan, ang mga tauhan ng Deployable Response Group, Special Operations Group at PCG Station Central Palawan, nirescue nila ang 91 pamilya at 26 na tao na apektado ng pagbaha sa Puerto Princesa City.
Hindi bababa sa 81 tauhan ng PCG ang ipinadala sa pitong barangay na naiulat na nakakaranas ng pagbaha dulot ng malalakas na ulan na dulot ng shear line.