Dagupan City – Kung akala mo’y mahaba na ang limousine ng mga Hollywood stars, aba’y maghanda ka nang mamangha!
Ang “The American Dream” ang opisyal na kinilala ng Guinness World Records bilang pinakamahabang kotse sa buong mundo—may haba itong 30.54 meters o 100 feet! Hindi basta-basta ang sasakyang ito dahil puno ng sorpresa ang loob nito!
Binuo ito noong 1986 gamit ang anim na pinagdugtung-dugtong na 1976 Cadillac Eldorado limousines. At kung tingin mo’y parang pangarap lang ang magkaroon ng sasakyang parang hotel-on-wheels, ang The American Dream ay may swimming pool na may diving board, jacuzzi, bathtub, mini-golf course, at functional helipad!
Ayon sa ulat, nagsimula ito bilang 18.28 meters o 60 feet, pero dahil sa kanyang creativity, napahaba ito hanggang sa kasalukuyang sukat.
Dahil sa kanyang kakaibang itsura, naging bida ito sa mga TV shows, pelikula, at magazine covers. Pero tulad ng maraming Hollywood stars, biglang nawala ito sa spotlight. Isa sa mga naging problema ay ang mahal na maintenance, hirap sa parking, at bumabang demand sa pelikula.
Sa huli, iniwan ito sa isang lumang warehouse sa New Jersey, kung saan ito nagkalawang at naluma nang ilang dekada.
Noong makita ng mga automotive enthusiasts na sina Michael Dezer at Michael Manning ang The American Dream sa isang online marketplace, hindi sila nagdalawang-isip na bilhin ito at ibalik sa dati nitong kagandahan! Matapos ang ilang taon ng restoration, napanumbalik nila ang dating kinang nito!
Bukod sa kanyang record-breaking na haba, punong-puno ito ng mga luxury features! May ilang TV, refrigerator, telepono, waterbed, jacuzzi, at swimming pool! Pati mga mahihilig sa golf, siguradong matutuwa dahil meron itong mini-golf course sa loob