DAGUPAN CITY- Kailangan pa umano ng masusing pag-aaral at pagsasaalang-alang sa maraming mga bagay upang maging epektibo ang Food Security Emergency ng Department of Agriculture.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, isang pamamaraan ng pagtatakda ng Food Security sa bansa upang mapababa ang presyo ng bigas, ngunit wala itong kasiguraduhan kung magiging maayos ang kalalabasan.

Aniya, isa na naman itong bad at temporary solution dahil sa abilidad nitong maging sustainable para sa lahat.

--Ads--

Marami ring mga bagay na kailangan pang ikonsidera upang mas maayos ang execution ng nasabing programa.

Dagdag niya, sana ay maging kritikal na ang mga Pilipino sa kanilang mga mamamahalang lider ng bansa.

Matatandaang marami nang mga ginawang pamamaraan at programa ng gobyerno na pababain ang presyo ng nasabing produkto sa merkado.