DAGUPAN CITY- Isinagawa ang Dressmaking NC II Training para sa mga miyembro ng Mapandan Solo Parents Association (MSPA) sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Mapandan at ng Technical Education and Skills Development Authority-Pangasinan Schools of Arts and Trade (TESDA-PSAT).

Ang training ay may layuning magbigay ng kasanayan sa mga solo parents sa pagtatahi gamit ang sewing machine, isang mahalagang hakbang upang mapalawak ang kanilang mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan.

Ang mga eksperto mula sa TESDA-PSAT ang nagtuturo ng mga pangunahing kaalaman sa dressmaking, na magsisilbing susi sa pagpapalago ng mga kasanayan sa industriya ng pananahi.

--Ads--

Ito ay upang matulungan ang mga solo parents na magkaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho at upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga solo parents na mapalago ang kanilang kakayahan at magtagumpay sa iba’t ibang larangan ng industriya.